Pangulong Duterte – pinangalanan ang tatlong personal idad na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto

Manila, Philippines – Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong personalidad na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.
 
Sa kanyang mensahe sa 16th National Convention ng Integrated Bar of the Philippines sa Pasay City – itinuro ni Pangulong Duterte sina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Leila De Lima na nagnanais siyang patalsikin.
 
Habang si Vice President Leni Robredo aniya ang makikinabang kung may oportunidad.
Pero, inulit ng pangulo na ayaw niyang ma-impeach si VP Robredo kahit pa mayroon siyang numero sa Kongreso.
 
Iginiit ni Duterte, nauunawaan nito ang posisyon ni Robredo bilang kontrapelo o kritiko na bahagi raw ng pulitika.


Facebook Comments