Pangulong Duterte, pinayuhan ang mga ayaw magpabakuna na huwag na lang lumabas ng bahay

Binigyang diin muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang public address, pinayuhan na lamang niya ang mga anti-vaxxers o mga taong ayaw magpabakuna na huwag na lang lumabas ng bahay para hindi nila mahawaan ang iba.

Naniniwala ang pangulo na ang bakuna ang solusyon sa pandemya.


Para kay Pangulong Duterte, isang hangal ang mga taong ayaw magpabakuna at mga nagdududa sa bakuna.

Aniya, sila ang nagpapakalat ng virus.

Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang mga health workers na palakasin ang vaccine information at education campaign para tumaas ang kumpiyansa ng publiko.

Facebook Comments