Pangulong Duterte, pinayuhan ang susunod na administrasyon na isulong ang constitutional convention

951

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na pangulo ng bansa na isulong ang Pederalismo o umpisahan na ang Constitutional Convention (ConCon).

Sa Talk to the People ng pangulo sinabi nitong napapanahon na kasi para i-abolish ang partylist system.

Aniya tila ginagamit lamang ng mga komunistang grupo o mga leftist ang partylist system para makapasok sa gobyerno na layunin ding sirain o wasakin ang gobyerno para sila ang pumalit o isulong ang kanilang ideyolohiya.


Pero pagdidiin nito hindi naman lahat ng partylist ay ganoon ang mithiin mayruon naman aniyang lehitimo ang intensyong kumatawan sa mga indigent population.

Payo pa nito sa susunod na pangulo ng bansa na agad isulong ang ConCon upang hindi maakusahang nais lamang nitong ma-extend o mapalawig ang kanyang termino.

Yun kasi ani Pangulong Duterte ang akusasyong ipinupukol sa kanya noong nais niyang isulong ang ConCon dahil sa nais umano niyang mapalawig ang kanyang termino.



Facebook Comments