Pangulong Duterte, pinayuhan ng ilang opposition senators na magfocus sa Marawi rehabilitation kaysa destabilization plot laban sa kanya

Manila, Philippines – Pinayuhan ng ilang Opposition Senators si Pangulong Duterte na iprayoridad na lang ang Marawi rehabilitation kaysa mag-aksaya ng panahon sa sinasabi niyang destabilization plot.

Noong nakaraang linggo, nagbantang magdedeklara ng revolutionary government ang Pangulo dahil umano’y planong pagpapabagsak sa kanya.

Ayon kina Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino, bukod sa walang basehan, nasasayang lang ang resources ng gobyerno dahil sa mga pekeng ulat gaya nito.


Una na rin naman daw itong itinanggi ng Department of National Defense at ng Armed Forces.

Dagdag pa ni Aquino, magpapahina lang sa demokrasya ng bansa at paglaban sa kahirapan kung masyadong pagtutuunan ng pansin ni Duterte ang destabilization plot laban sa kanya.

Facebook Comments