Pangulong Duterte, pinayuhan si Davao City Mayor Sara na huwag tatakbong presidente ng bansa

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag tatakbong presidente ng bansa.

Kwento ng Pangulo, sinabihan niya si Mayor Sara na kung ambisyon lang din ay huwag siyang mag-presidente.

Wala naman aniyang mapapala ang presidential daughter kundi pagod, maliban na lamang kung talagang nais nitong magsilbi sa bayan.


Dagdag pa niya, mas malaki pa ang sinasahod ng ilang heneral kumpara sa tinatanggap niyang sweldo bilang pangulo.

Facebook Comments