Pangulong Duterte, pinuri ang China sa pag-donate ng COVID-19 vaccine

43

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China sa pag-donate ng COVID-19 vaccines.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng pagdating kahapon ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng Chinese Government.


Sa Press Conference kagabi, sinabi ng Pangulo na ipinakikita aniya ng China na may respeto at malasakit sila sa mga tao.

Bukod dito, nabanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati na dapat ituring na global public good ang bakuna para mas maraming tao ang may access dito, mayaman man o mahirap.

Iginiit ng Pangulo na walang bansa o tao ang dapat maghirap dahil sa pandemya.

Naniniwala ang Pangulo na ang komprehensibong pagbangon ng mundo ay nakasalalay sa pantay at madaling access sa mga bakuna.



Facebook Comments