Pangulong Duterte, pinuri ang DPWH sa pagsasagawa ng balasahan

51

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinasagawang balasahan sa mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga district engineers ng DPWH na sangkot sa korapsyon na bakantehin ang kanilang pwesto.


Sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 Project, pinuri ni Pangulong Duterte si DPWH Secretary Mark Villar sa pagsasagawa ng total revamp.

Una nang sinabi ni Villar na sumasailalim ang ahensya sa reorganization kung saan nasa 14 na district engineers ang tinanggal sa kanilang serbisyo.

Facebook Comments