Pangulong Duterte, pinuri ang SMC dahil sa commitment nito sa nation-building

238

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na tularan din ng ibang business leaders si San Miguel Corporation President Ramon Ang lalo na sa paglahok sa nation-building.

Sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project, pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Ang sa mga naging kontribusyon nito sa pag-unlad ng bansa.


Pinuri din ng Pangulo ang mga ginagawang inisyatibo ni Ang lalo na sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Umaasa ang Pangulo na ang ‘sense of patriotism’ at ‘social responsibility’ ni Ang ay magsilbing inspirasyon sa iba pang kapitan ng industriya.

Nagpapasalamat ang Pangulo sa SMC sa pamumuhunan nito sa Skyway Project.

Facebook Comments