Pangulong Duterte posibleng puntahan ang mga nasalanta ng lindol sa Visayas Region

Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na posibleng pumunta din ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa eastern samar na niyanig ng malakas na lindol kaninang pasado 1:00 ng hapon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung magkakaroon ng oras o kung makararating ng Pampanga ngayon si Pangulong Duterte ay mayroong posibilidad na bisitahin din ng Pangulo ang mga nasalanta sa Visayas Region.

Sinabi din naman ni Panelo na hindi na kailangan pang utusan ng Pangulo ang mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan dahil nakahanda naman ang gobyerno sa anomang posibilidad.


Sa impormasyon namang inihayag sa media ay sinabi ni Public Works secretary Mark Villar na inatasan na niya ang mga DPWH offices sa visayas region upang alamin ang mga posibleng pinsala na dinulot ng malakas na lindol.

 

Facebook Comments