Pangulong Duterte sa mga kritiko: “If you want me to die, pray harder”

67

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na laliman at taimtim pa ang pagdadasal kung gusto nila siyang mamatay.

Ito ang tugon ng Pangulo mula sa mga kritisismo na wala siyang ginawa nitong nagdaang linggo habang nagpapakahirap ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.


Sa kanyang Talk to the People Address, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat napatalsik na siya noon pa kung hindi maayos ang kanyang trabaho.

Alam ni Pangulong Duterte na marami na ang gusto sa kanyang bumaba na sa Malacañang pero kailangan nilang magdasal para mangyari ito.

Bago ito, lumutang ang mga espekulasyon hinggil sa kalusugan ng Pangulo matapos makansela noong nakaraang linggo ang kanyang public address.

Pero sinagot ito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga litrato kung saan abala sa trabaho ang Pangulo at ipinapakita ang kanyang mga libangan.



Facebook Comments