Pangulong Duterte, susuportahan si Cong. Martin Romualdez kapag tumakbong VP sa 2022 elections

51

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya si House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez kapag tumakbo itong bise presidente sa 2022 election.

Ayon sa Pangulo, ipinangako niya noon kay Romualdez na makukuha ang kaniyang basbas sa susunod na halalan.


Una nang inarpubahan ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang isang resolusyon na hikayatin si Duterte na tumakbong bise presidente sa 2022 elections.

Sa naturang resolusyon, binibigyan din ng kalayaan si Duterte na pumili kung sino ang nais niyang maging katambal bilang kandidatong presidente ng partido.

Facebook Comments