Pangulong Duterte, taos pusong nagpasalamat sa kanyang mga taga-suporta

99

Taos pusong nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga taga-suporta nitong nakalipas na 6 na taon sa ginanap na salamat PRRD concert kagabi sa Quirino grandstand.

Naging maiksi lamang ang mensahe ng pangulo pero batid ditong naging masaya siya sa nasabing event.

Ilan sa mga nag-perform sa salamat PRRD concert ay sina Andrew E, Jed Madela, Mocha girls, Robert Seña, Dulce, Isay Alvarez, Florante, Martin Nievera at Freddie Aguilar.


Kumanta rin ang pangulo ng paborito nitong IKAW habang tinutugtog ito ng Philharmonic Orchestra.

Nagkaroon din ng drone show na nakasulat ay SALAMAT PRRD at fireworks display sa huling bahagi ng programa.

Tuwang tuwa naman ang mga taga-suporta ng pangulo dahil nakatanggap sila ng mga t-shirt, jacket, sumbrero at pamaypay na may tatak Duterte.



Facebook Comments