Pangulong Duterte, tinawag na istupido ang mga naniwala sa kanyang birong pagje-jet ski sa WPS

187

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na biro lamang ang kanyang pahayag na sasakay siya ng jet ski patungong Spratlys island at magtatanim ng watawat ng Pilipinas doon.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang sinumang nahulog sa kanyang campaign promise ay ‘istupido.’


Aniya, bahagi iyon ng kanyang estilo ng pangangampanya noon.

Dagdag pa ng Pangulo na balak pa niya na bumili ng second-hand na jet ski dahil aminado siyang hindi siya marunong lumangoy.

Hindi rin niya aabot ang jet ski sa Spratlys dahil malayo ito sa Palawan at walang gasolinahan para punuin ang tangke nito.

Facebook Comments