Pangulong Duterte, tinawag na ‘traydor’ ni Senadora Leila De Lima

1041

Inakusahan ni Senadora Leila De Lima ng pagtataksil sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pahayag ng pangulo na “little maritime incident” lang ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese Vessel sa 22 Pinoy na lulan ng bangkang pangisda sa Recto Bank.


Ayon kay De Lima, umaaktong parang Chinese puppet government ang Pilipinas sa sarili nitong desisyon.

Ginagamit lang aniyang excuse ni Pangulong Duterte sa kanyang pagtatraydor ang banta nitong giyera sakaling pumalag at maghamon ang Pilipinas sa ginagawa ng China.

Higit sa pagiging traydor, tinawag pang “glorified carpetbagger” ni De Lima ang pangulo na wala aniyang katapatan sa kahit kanino maliban sa kanyang sarili.

Facebook Comments

From Advertisers