Pangulong Duterte, tiniyak na mabuti ang kaniyang kalusugan

69

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Davao City lamang siya at iniiwasang magkasakit ng COVID-19.

Sa Facebook video na ibinahagi ni Senator Bong Go, sinabi ni Pangulong Duterte na ginagawa niya ang mga pag-iingat tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask at manatili sa bahay.


Sa parehas na video, hinimok ni Go ang publiko na huwag maniwala sa mga pekeng balita patungkol sa Pangulo.

Iginiit ni Go na nananatiling nakatutok si Pangulong Duterte sa kaniyang trabaho.

Una nang itinanggi ng Malacañang na bumiyahe abroad ang Pangulo.

Facebook Comments