Pangulong Duterte, umapela sa Malaysia na tulungan ang mga Pilipino sa kanilang bansa

1226

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysian Government na tulungan ang mga Pilipino na nasa kanilang bansa sa gitna ng isyu ng Sabah.


Sa kaniyang mensahe sa bayan, nakiusap ang Pangulo sa Malaysia na ipaabot ang kanilang tulong sa mga Pilipino na nasa kanilang bansa tulad ng ginagawa ng pamahalaan sa kanilang mga kababayan na nandito sa Pilipinas.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa 2,000 Pilipino na ang ni-repatriate mula Sabah at nasa 3,000 Pilipino pa sa Sabah ang naghihintay na sila ay maiuwi sa Pilipinas.

Facebook Comments