Pangulong Duterte, walang aktibidad sa darating na anibersaryo ng People Power

Walang nakalinyang aktibidad si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng EDSA People Power Revolution anniversary sa darating na Pebrero a-beinte singko.

Ayon kay Chief Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, wala siyang nalalamang schedule ng Chief Executive na may kinalaman sa anibersayo ng People Power.

Sa bahay lang daw ani Panelo, ang Pangulo bagama’t tiyak aniyang magta-trabaho din ito gaya ng dati ng nakagawian.


Matatandaang magmula ng maupo ang Chief Executive sa Palasyo ay hindi ito kailanman dumalo sa anumang pagdiriwang na may kinalaman sa People Power.

Kung sakali man, ito na ang ika-apat na taong hindi dadaluhan ng Pangulo ang nabanggit na okasyon.

Facebook Comments