Pangulong Duterte, walang balak na palawigin ang termino

44

Pinabulaanan ni Pangulong Duterte ang mga usap-usapang plano niyang palawigin ang kanyang termino.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng pagsusulong ng mga mambabatas na amiyendahan ang Konstitusyon.


Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 Project, iginiit ng Pangulo na sawa na siya sa politika.

Wala na aniya siyang balak na manatili pa sa pwesto lagpas sa kanyang kasalukuyang termino.

Nabatid na paulit-ulit na iginigiit ni Pangulong Duterte na hindi na siya lalampas sa kanyang anim na taong termino na magtatapos sa June 30, 2022.

Facebook Comments