Pangulong Duterte, walang problema kung hindi papayag ang US na makabili ang Pilipinas sa kanila ng armas

815

Walang magiging problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi pumayag ang Estados Unidos na makabili ang Pilipinas sa kanila ng armas.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, iginiit ni Pangulong Duterte na wala namang kalaban ang bansa.


Dagdag pa ng Pangulo, walang dahilan para bumili ng ballistic missiles kung wala namang kaaway ang Pilipinas.

Pero mayroong isang hiling lamang si Pangulong Duterte sa US, ito ay hayaan ang Pilipinas na mamuhay ng payapa.

Paglilinaw rin ni Pangulong Duterte na wala siyang “masamang tinapay” sa US.

Facebook Comments