Pangulong Ferdinand Marcos Jr., panauhing pandangal sa 121st police service anniversary sa Camp Crame at pangungunahan ang AFP Change of Command Ceremony ngayong araw

88

Panauhing pandangal ngayong umaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaugnay ng pagdiriwang ng ika-121st police service anniversary.

Alas-9:00 ngayong umaga ay inaasahan ang pangulo sa Kampo Krame na kung saan ay bibigyan ito ng arrival honors.

Bahagi rin ng programa ang gagawing pangunguna ni Pangulong Marcos Jr. sa pagbibigay ng gawad at pagkilala sa mga natatanging kawani at opisyales ng Philippine National Police (PNP).


Alas-2:00 ng hapon naman mamaya ay tatawid ang pangulo sa Kampo Aguinaldo para pangunahan ang Change of Command Ceremony o ang pagpapalit sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Mauupong ika-58 AFP chief ang Medal of Valor Awardee na si Lt. Gen. Bartolome Bacarro at kauna-unahang pinuno ng AFP na magsisilbi sa hukbo na may 3-year fixed term sa bisa ng RA 11709.

Si Bacarro ay 55 taong gulang at magreretiro sana sa September 18 subalit mag-e-extend ito ng hanggang 2025 sa serbisyo dahil sa fixed term para sa AFP chief.



Facebook Comments