Pangulong Rodrigo Duterte, bigong mabisita ang Marawi City

87

Manila, Philippines – Bigong makapunta sa Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpasya siyang huwag nang tumuloy dahil maghapon umulan sa maraming lugar sa lanao del sur.

Bago ito, supresang binisita ni Pangulong Duterte ang mga sundalo sa Iligan City.


Sa kaniyang pagbisita sa 2nd mechanized infantry brigade, light armor division ng Philippine Army sa Barangay Maria Christina, tiniyak ng pangulo sa mga sundalo na buo ang suporta ng kaniyang pamahalaan sa tropa ng gobyerno.

Sa larawan na inilabas ng Presidential Communications Office makikita ang pangulo na nakasuot ng camouflage kasama si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go na naka-bullet vest.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments