Pangulong Rodrigo Duterte, dadalo sa 13th Asia-Europe meeting summit

44

Kinumpirma ng palasyo ng Malacañang na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) summit na magsisimula ngayong araw.

 

Ayon sa palasyo, makikiisa ang Pangulo sa pamamagitan ng video conference at inaasahang magbibigay din ng talumpati sa ikalawang araw ng summit.

 

Makakasama niya ang iba pang lider mula sa asya at europa kung saan tatalakayin dito ang mga international at regional issues kabilang na ang pagpapatibay sa relasyon ng dalawang rehiyon.


 

kamakailan ay dumalo rin ang pangulong duterte sa united nations general assembly, 38th and 39th asean summits and related summits at ang katatapos lamang na asean-china special summit.

Facebook Comments