Pangulong Rodrigo Duterte, handa daw sumunod sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng deklarasyon niya ng martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Susunod si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng deklarasyon niya ng Martial Law sa Mindanao.

Ito ay taliwas sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na susuwayin niya ang Korte Suprema kung kokontrahin nito ang Martial Law.

Sa pagharap niya sa mga sundalo sa Sultan Kudarat City, sinabi ng Pangulo na susundin niya ang magiging ruling sa mga petisyon laban sa Martial Law dahil sa Korte Suprema na ito manggagaling.


Gayunman, umaasa si Duterte na mai-konsidera ng Supreme Court ang sitwasyon ng seguridad sa Marawi City na pangunahing dahilan ng kaniyang deklarasyon.

Nangako rin si Duterte na ibabalik rin niya sa normal ang sitwasyon sa bansa at paulit-ulit na ipinaliwanag sa mga sundalo ang legalidad ng kaniyang naging hakbang.
DZXL558

Facebook Comments