Pangulong Rodrigo Duterte, hindi nagpaputok ng baril sa Marawi ayon sa Malacañang

162

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na walang target si Pangulong Rodrigo Duterte nang paputukan nito ang posisyon ng kalaban sa kaniyang muling pagbisita sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – hinawakan lang ni Duterte ang baril para sa photo opportunity.

Aniya, hindi nagpaputok ng rifle si Duterte, kundi binitbit niya lang ito.


Maalam naman aniya ang pangulo tungkol sa mga ganoong klase ng baril at alam niya ang kanyang limitasyon.

Matatandaang nagtungo si Pangulong Duterte sa Marawi sa ikatlong pagkakataon matapos mabawi ng pwersa ng pamahalaan ang Marawi City police station.

Facebook Comments