Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok ang lahat na ipagbunyi ang mga bayani ng bansa

Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat na ipagbunyi ang mga bayani ng bansa.

Sa kanyang mensahe para sa araw ng mga bayani, sinabi ng pangulo na ito ay sa pamamagitan ng pagyakap at pagsasabuhay ng mga paniniwala.

Ayon sa pangulo, habang buhay na ipagpapasalamat at tatanawing utang na loob ng mga Pilipino ang mga sakripisyo at makabayang paninindigan ng mga bayani.


Bilang sukli, dapat aniyang kilalanin ng mga Pilipino ang Rule of Law, protektahan ang bansa at pagbutihin ang samahan ng bawat isa.

Facebook Comments