Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok ang PMA at PNPA graduates na manatiling tapat sa watawat at sa konstitusyon

21

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong sundalo at pulis at sa mga miyembro ng uniformed service na manatiling tapat sa watawat at sa konstitusyon.

Sa Virtual Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA), ipinaalala ni Pangulong Duterte sa mga graduate na sila ang tagapangalaga ng kapayapaan at tagapagtanggol ng kalayaan.


Iginiit din ni Pangulong Duterte na bibitbitin nila ang constitutional duty ng due process at fair play.

Paalala pa ng Pangulo sa mga graduates na ang “mata” ng mga Pilipino, kapwa alumni at kanilang alma mater ay nakatutuok sa kanila saanman sila naroroon.

Binigyang pugay din ni Pangulong Duterte ang mga magulang ng mga graduate.

Si Cadet First Class Gemalyn Sugui ng Enchague, Isabela ang nanguna sa 196-strong PMA Masidlawin Class of 2020 habang si Fire Cadet Lei Anne Banico Palermo ng Zamboanga City ang nanguna sa 277 graduates ng PNPA Mandayug Class of 2020.

Facebook Comments