Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit na bigyan na lamang siya ng ka-date kaysa gawaran siya ng award

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan na lamang siya ng isang magandang babaeng ka date kaysa sa gawaran siya ng parangal.

Ito ang pahayag ng pangulo matapos siyang magawaran ng Honorary Doctorate Degree mula sa Moscow State Institute of International Relations (MGIMO), ang unang pagkilalang natanggap niya mula sa ibang bansa.

Biro ng pangulo, halo-halo ang kanyang nararamdaman nang matanggap niya ang Doctorate.


Aniya, ayaw niyang tumatanggap ng awards sa mga bagay na bahagi ng kanyang tungkulin o dapat gawin.

Pero kung nais ng mga institusyon na kilalanin siya, mag-set up na lang ng date sa isang magandang babae.

Facebook Comments