Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagtanggol si DENR Sec. Gina Lopez

53

Manila, Philippines-Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources Sec. Gina Lopez.

 

Ito’y kasabay ng mga pagharang ng comfirmation ni Lopez sa Commission on Appointments.

 

Ayon sa Pangulo, umaasa siya na magkakaroon ng kompromiso sa pagitan ni Lopez at ng mga minahang ipinasasara niya.

 

Kasabay nito, nanindigan si Lopez na dapat mag-inhibit ang mga miyembro ng CA na may interes sa pagmimina.

 

Tiniyak rin ni Lopez na nakahanda siyang magpaliwanag sa mga naapektuhang mga minero.

Facebook Comments