Pangulong Rodrigo Duterte, magbibigay ng address ngayong araw mula Davao City

135

Inaasahang pupulungin muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng pamahalaan para alamin ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ibibigay ni Pangulong Duterte ang kaniyang public address mula sa Davao City ngayong araw.

Sinabi ni Roque na umuwi ang Pangulo sa kaniyang hometown lalo na at limitado ang kaniyang public engagements para na rin sa kaniyang kaligtasan at kalusugan.

“Yes. He’s in Davao now,” mensahe ni Roque sa mga reporter.

Noong Agosto, halos buong buwan nanatili ang Pangulo sa Davao City na ikinokonsiderang pinakamahaba mula nang umupo siya noong 2016.

Facebook Comments