Pangulong Rodrigo Duterte, muling binanatan si Senator Richard Gordon matapos siyang tawaging ‘cheap politician’

650

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Richard Gordon sa kaniyang ikalawang talk to the nation address ngayong linggo.

Ito ay matapos na tawagin ni Gordon si Pangulong Duterte na isang “cheap politician” kasunod ng kaniyang pagdepensa sa mga opisyal na iniimbestigahan sa Senate Blue Ribbon Committee sa pagbili ng pandemic supplies.


Ayon sa pangulo, si Gordon ang maituturing na gumagawa ng cheap political gimmick kagaya na lamang ng paglalagay umano niya ng kaniyang mukha sa mga ambulansya ng Philippine Red Cross.

Sinabi rin ng Pangulong Duterte na patuloy na ginagatasan ni Gordon ang Red Cross bilang chairman nito habang nagsisilbi sa gobyerno.

Facebook Comments