Pangulong Rodrigo Duterte – nagbigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng Carranglan bus tragedy

63

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay na rin ng tulong sa lahat ng mga biktima ng naaksidenteng pampasaherong bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – ipinadala ni Pangulong Duterte ang financial assistance kay LTFRB Chairman Martin Delgra.


Ayon kay Lizada – P20,000 sa bawat namatay ang ipinagkaloob ng Pangulo habang P10,000 naman sa bawat nasugatan.

Una ng naitakdang bibista ang Pangulo sa crash site o sa mga biktima ng aksidente pero hindi natuloy ngayong Linggo.

Facebook Comments