Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaabot ng pakiisa sa paggunita ng Semana Santa

Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng Filipino christians sa buong bansa at sa iba pang panig ng mundo kasabay ng paggunita ng Semana Santa.

 

Sa kanyang mensahe ngayong araw, hinikayat ng pangulo ang mga Pilipino na sikaping gawin kung ano ang mabuti at tama.

 

Nawa aniya’y maging inspirasyon ang paggunita ng mahal na araw para mapanumbalik ang commitment ng bawat isa na magsilbi sa kapwa lalo na sa mga higit na nangangailangan.


 

Kinilala rin ni Pangulong Duterte ang kontribusyon ng matibay na pananampalataya ng mga pilipino sa diyos sa pag-ahon ng bansa.

 

Sa huli, hinikayat ng pangulo ang lahat na magtulungan para makamit ang hinahangad para sa bansa sa gabay ng naging sakripisyo ni Hesukristo.

Facebook Comments