Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakdang kasuhan ng kampo ni Davao Death Squad self-confessed hitman Edgar Matobato sa International Criminal Court

Manila, Philippines – Tinatapos na ng abogado ni Davao Death Squad self-confessed hitman Edgar Matobato na si Atty. Jude Joshue Sabio ang komunikasyon na nakatakdang isumite sa chief prosecutor ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Sabio, ang isasampang reklamo ay may kaugnayan sa crime against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte noong mayor pa lang ito ng Davao City hanggang sa naging Presidente ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Sabio na pabor ito sa kanilang panig dahil hindi mahigpit ang paghahain ng reklamo sa ICC.


Hinihintay na lamang din daw nila ang kanyang visa para makapunta at maihain ang kaso kay ICC prosecutor Fatou Bensouda.

Facebook Comments