Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagpulong sa mga opisyal ng Army at Air force

196

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga officer ng Philippine Army (PA) at Philippine Air Force (PAF) sa Malacañang Golf Clubhouse.

Sa kaniyang mensahe, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga tropa sa kanilang paghahatid ng serbisyo sa publiko.


Inalala rin ng Pangulo ang kaniyang pakikipagnegosasyon sa New People’s Army (NPA) para sa pagpapalaya ng mga bihag noong siya pa ang Alkalde ng Davao City.

Matatandaang nag-alok si Pangulong Duterte ng ₱2 milyong pabuya para sa mga makakapatay ng NPA Commanders.

Facebook Comments