Pangulong Rodrigo Duterte, nasa Hong Kong na para sa pagbisita nito sa Filipino community

Hong Kong – Nasa Hong Kong na si Pangulong Rodrigo Duterte para kumustahin ang mga Pilipinong nandoon.

Ito’y matapos daluhan ng pangulo ang World Economic Forum sa Cambodia, kahapon.

Ayon kay Philippine Consul General sa Hong Kong na si Bernardit­a Catalla – excited na ang mga pilipinong na nakabase sa Hong Kong sa nakatakdang pagbisita ng Pangulong Duterte.


Dagdag pa ni Catalla – tinatayang nasa 210,000 ang bilang ng mga Pinoy sa Hong Kong kung saan higit 190,000 sa mga ito ay OFW na karamihan ay domestic workers.

Bukod dito, magkakaroon din ng working visit si Pangulong Duterte sa Hong Kong hanggang bukas.

 

Facebook Comments