Pangulong Rodrigo Duterte, paiimbestigahan ang utang ng pamilya Lopez sa DBP  

2583

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na papaimbestigahan niya ang utang ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon sa Pangulo, ni-isang sentimo ay hindi nagbayad ang Lopez Group of Companies ng kanilang utang.


Aniya, sisiyasatin niyang mabuti ang mga ito.

Nitong 2017, iginiit ng Lopez Holdings Corporation na wala silang unpaid obligation sa DBP at iba pang Government Financial Institutions.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin niya ang Franchise Renewal ng ABS-CBN, na nakatakdang mag-expire sa March 2020.

Nakabinbin sa Kongreso ang panukala para i-renew ang ABS-CBN Franchise para sa susunod na 25 taon.

Facebook Comments

From Advertisers