Pangulong Rodrigo Duterte, pinasiyanaan ang Miranda Bridge II sa Tagum City, Davao Del Norte

47

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa Miranda Bridge II sa Tagum City, Davao Del Norte.

Kasama ni Pangulong Duterte sa pagpapasinaya sina DPWH Sec. Mark Villar at Davao Del Norte Gov. Anthony Del Rosario.

Nabatid na ang Miranda Bridge II na itinayo noon pang 2004 ay sumailalim sa expansion project.

Umaabot naman sa P757 million pesos ang halaga ng proyekto na natapos nitong April 21.
DZXL558

Facebook Comments