Pangulong Duterte, buo pa rin ang tiwala pa rin kay Health Sec. Duque.

164

Malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng alegasyon sa pagdinig ng Senado na si Duque ang umano’y “godfather” ng mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Giit ni Roque, wala na sana sa posisyon si Duque kung hindi na nagtitiwala rito si Pangulong Duterte.

Lahat naman kasi aniya sila sa gabinete ay nagsisilbi sa kagustuhan ng Pangulo at pwedeng palitan o matanggal sa pwesto anumang sandali.

Facebook Comments