Pangunahing suspek sa pagpatay sa Masculados Dos member Marcelo Ong, arestado

60

Nadakip na ng mga tauhan ng Quezon City Police ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa ‘Masculados Dos’ member na si Marcelo ‘Ozu’ Ong, may ilang taon na ang nakalilipas.

 

Sa ulat ng QCPD, nakatanggap sila ng tip na muling bumalik sa kanilang tahanan sa North Fairview subdivision ang suspek na si Khristopher Ernie kaya’t agad silang bumuo ng surveillance team upang manmanan ito.

 

Nang makumpirma ang pagkakakilanlan ng suspek, agad itong inaresto sa Atherton St., Bgy. Sta. Lucia, sa bisa ng arrest warrant.

 

Bukod sa suspek na si Ernie, naaresto rin sa operasyon ang dalawa pang kasamahan nito na sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal kung saan narekober sa mga suspek ang 2 sasakyan, ilang sachet ng shabu at isang kalibre .45 baril.

Facebook Comments