Pangunguna ni Sinas para magpapayat pinuri ng PNP

151

Pinuri ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang inisyatibo ni NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas na pangunahan ang Model of the Weight Loss Program sa kanyang hanay.

Ito ay sa harap nang mahigpit na utos ni PNP Chief Gen Archie Gamboa na lahat ng pulis na dapat na sumunod sa Body Mass Index requirement sa ilalim ng physical fitness program ng PNP


Ayon kay PNP Spokesperson Brig General Bernard Banac mayroong 3000 overweight o obese cops sa NCRPO.

Pero kung pagbabasehan aniya ang kabuuang bilang ng mga pulis nationwide na nakapasa na sa ideal body mass index, aabot na ito 54.4 percent o 98,093 PNP personnel hanggang nitong December 31, 2019.

Ang hakbang na ito ng PNP ay para ma promote sa mga pulis ang mas pagiging disiplinado, at healthy lifestyle.

Tiniyak naman ng PNP sa mga pamilya ng mga pulis na lahat ng physical exercises at pagbabawas ng timbang ng mga pulis ng minominitor ng PNP Health Service.

Facebook Comments