Panibagong 46 na mga pulis, positibo sa COVID-19

34

Tumataas pa rin ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 na ngayon ay umaabot na sa 2,538.


Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) kahapon, may panibagong 46 na mga pulis ang infected ng COVID-19.

33 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), pito sa PNP CALABARZON, dalawa sa National Headquarters habang tig-iisa sa PNP Health Service, Maritime Group, Special Action Force at PRO 11.

Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 1,614 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 839 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,185 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nananatili naman sa labing-dalawa na mga pulis naman ang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments