Panibagong Batch ng Barangay Rescue Vehicles itinurn-over ng Maguindanao Government

85

Muling nagturn-over ng Brgy. Rescue Vehicles ang Provincial Goverment ng Maguindanao .
Isinagawa ito noong May 26, 2020 sa Old Capitol Ground sa Shariff Aguak at pinangunahan mismo ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu habang dumalo rin sa okasyon ang ilang opisyales ng Militar, PNP at mga elected officials ng Probinsya
21 Vehicles ang ibinigay sa 2nd District Towns habang 15 naman 1st District.
Iginiit naman ni Governor Bai Mariam na ang Rescue Vehicle ay para magamit at makatulong sa mga programa at serbisyo ng baranggay lalo na ngayong panahon ng krisis.
Maari aniya itong paglagyan ng mga Relief Items o pangtransport ng mga pasyente. Nagpapasalamat naman ang mga barangay sa naging programa ni GMSM .
PGO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments