Panibagong batch ng Filipino repatriates mula sa iba’t ibang bansa, dadating ngayong araw

46

1,700 na panibagong batch ng Fililpino repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw.


Sa abiso ng MIAA-Media Affairs Division, unang dumating kanina ang 350 Pinoy repatriates mula Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR685.

Sumunod ang 350 Pinoy repatriates mula naman sa Riyadh, Saudi Arabia lulan ng Philippine Airlines flight PR655.

300 Filipino repatriates din mula Bahrain na sakay ng Gulf Air flight GF154 ang dumating na rin sa bansa kanina.

Habang ang 320 Pinoy repatriates mula Dubai sakay ng Emirates Airlines flight EK332 ang dadating mamayang alas-4:15 ng hapon.

50 Pinoy repatriates mula India ang dadating din ng alas-4:30 ngayong hapon sakay ng Air India flight AI310.

Habang ang 300 Filipino repatriates mula Qatar sakay ng Qatar Airways flight QR932 ang dadating ng alas-4:35 ngayong hapon.




Facebook Comments