Panibagong bigtime rollback sa langis, aarangkada ngayong linggo

143

Good news sa mga motorista!

Muling magpapatupad ng bigtime rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong darating na linggo.

Maglalaro sa P2.50 hanggang P2.70 ang inaasahang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.


Habang P2.70 hanggang P2.80 naman sa kada litro ng diesel at kerosene.

Epektibo ang panibagong oil price rollback sa Martes, December 7.

Samantala, may bigtime rollback din sa AutoLPG ang kumpanyang Cleanfuel.



Epektibo ngayong araw ng Linggo, alas-8:00 ng umaga, ipapatupad ang P2.70 per liter na tapyas-presyo sa kada litro ng AutoLPG.

Facebook Comments