Panibagong dagdag singil sa petrolyo ngayong linggo, nakaamba na naman

34

Manila, Philippines – Asahan na ang oil price hike ngayong papasok na linggo.

Sa datos ng Energy Department, posibleng tumaas ang presyo ng gasolina at kerosene ng P.95 kada litro habang P.55 naman kada litro sa diesel.

Maari namang magbago pa ang aktuwal na presyo depende sa magiging “cut-off” ng transaksyon.

Ito na ang ika-apat na sunod na pagtataas sa presyo ng petrolyo sa bansa simula noong Oktubre 16.

Facebook Comments