Sunday, July 19, 2026

Panibagong inoorganisang pagkilos sa iba’t ibang lugar sa bansa matapos ang banta sa Senado, mahigpit na ring mino-monitor ng NBI

Hindi isinasantabi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga banta sa social media kaugnay ng mga isasagawang mga pagkilos.

Kasunod na rin ito ng banta noong mga nakaraang linggo sa Senado na dahilan ng pagsuspinde ng trabaho sa Senado.

Sa pagtatanong ng DZXL RMN Manila kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, maliit man o malaki ang banta ay ikinokonsidera nilang itong seryoso na kailangang imbestigahan.

Pero nilinaw nitong hindi lamang sa Senado ang tinututukan nila na may banta ang seguridad.

May mga banta rin aniya sa ibang lugar kaugnay ng destabilisasyon sa gobyerno na kanilang tinututukan.

Kung maalala, noong nakaraang Miyerkules at Huwebes noong nakaraang linggo ay pinahintulutan ang work-from-home arrangement ng mga Senate personnel dahil sa banta sa seguridad.

Facebook Comments