PANIBAGONG MALL VAX SITE SA SAN CARLOS CITY, BINUKSANKASABAY NG KAGUSTUHAN NA MAITAAS PA ANG NABABAKUNAHAN KADA ARAW

Nagdagdag ng panibagong vaccination site ang lungsod ng San Carlos kasabay ng ginagawang vaccination roll out kontra COVID-19.

Inilunsad muli ang isang mall vax site na aagapay sa pamahalaang lungsod para magbigay serbisyo sa mga residente na nais magpabakuna.

Inaasahan namang mapapabilis pa ang pagbabakuna sa lungsod sa pakikipagtulungan ng mga malls at Philippine Red Cross upang magtayo ng Bakuna Center.


Ito rin ang gagamitin ng grupo ng RHU 1 na dating naka set up sa City Gymnasium.

Ang operasyon nito ay nagsimula na at inaasahan na lalong dadami ang mababakunahan araw araw dahil dito.

Ang San Carlos City lang ang may dalawang Mall Based Vax site sa buong Lalawigan ng Pangasinan at may hawak sa may pinakamaraming nababakunahan sa isang araw sa buong Pangasinan.###

Facebook Comments