Panibagong rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte, inalmahan ng Gabriela Women’s Group

316

Manila, Philippines – Sinita ng Gabriela Women’s Group ang panibagong “rape joke” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga sundalo na kaniyang binisita kahapon sa Iligan City.

Ayon sa Gabriela, sana ay maging maingat ang pangulo sa pananalita dahil hindi magandang biro ang salitang “rape” o mga kahalintulad nito.


Una rito sinabi ni Pangulong Duterte na sasamahan niya ang mga sundalo kapag nakasuhan ang mga ito kung tatlong rape cases daw ay sasabihin niyang siya ang may kagagawan.

Payo ng grupo, sa halip na magbiro tungkol sa panggagahasa dapat na itaas na lang ng presidente ang morale ng mga tauhan ng pamahalaan.

Hinimok din nila ang publiko na maging vigilante sa anumang pag-abuso sa karapatang pantao.
DZXL558

Facebook Comments