Panibagong supply ng spare parts para sa pag-overhaul ng bagon, dumating na sa MRT-3 depot

Dumating ngayon sa MRT-3 depot ang panibagong suplay ng mga mechanical at electrical component na kinakailangan sa pag-overhaul ng mga bagon ng tren.

Kabilang sa supplies ay ang mga bagong door header gears na bahagi ng mga pinto ng tren, shunting reactors na ginagamit sa pagkontrol ng voltage sa transmission line at breaker controllers na bahagi ng electrical switch.

Ginagamit ang mga nasabing piyesa sa wastong pagpapatakbo ng mga tren sa linya ng MRT-3.


Bahagi ang rolling stock overhauling ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3, katuwang ang maintenance provider ng linya na Sumitomo-MHI-TESP.

Facebook Comments