PANINGIN NG PASYENTE MATAGUMPAY NA NAIBALIK SA TULONG NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NG ISANG OSPITAL SA DAGUPAN CITY

May kasabihan na, “Eyes are the windows to the soul,” kaya mahalagang pangalagaan ang mga ito upang mapanatiling malinaw ang ating paningin.

Sa kabila ng mga hamon gaya ng sobrang paggamit ng gadgets, genetic na kondisyon, o aksidenteng dulot ng kemikal, laging may pag-asang maibalik ang liwanag sa mata.

Ito ang patunay ng matagumpay na operasyon na isinagawa kamakailan sa Region 1 Medical Center (R1MC) – Department of Ophthalmology and Eye Center.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naisagawa ang Type 1 Keratoprosthesis surgery, isang makabagong pamamaraan na nakapagbalik ng paningin ng isang pasyente na nagkaroon ng bilateral blindness matapos ma-expose sa chemical injury.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga mahuhusay na doktor ng R1MC, na nagbigay ng bagong pag-asa at buhay sa pasyente.

Ang tagumpay na ito ay nagbukas ng pinto para sa mas maraming pasyenteng nangangailangan ng parehong paggamot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments